Kamakailang humikayat ng halos 10,000 mahilig ang pangunahing wine and spirits fair ng Hong Kong, na karamihan ay mula sa Timog-silangang Asya at iba pang umuusbong na market.
Taunang kaganapang inorganisa ng Hong Kong Trade Development Council (HKTDC), ginanap ang ika-15 edisyon ng Hong Kong International Wine & Spirits Fair sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre.
Mula Nobyembre 3-5, nagtampok ang kaganapan, na itinuturing na pinakamahalagang trade fair ng wine sa lungsod, ng mahigit 500 exhibitor mula sa 17 bansa at rehiyon.
Itinampok nito ang mga wine ng Tsina, lalo na mula sa Sichuan, Ningxia at Xinjiang, na lumago ang katanyagan sa mga nakaraang taon. Nagbigay rin ng talakayan ang Chinese Master Sommelier na si Lu Yang tungkol sa mga pagkakataon sa market ng wine sa Tsina at Asya.
Ayon sa HKTDC, nakahikayat ang fair ng humigit-kumulang 7,000 mamimiling pangkalakalan mula sa 49 hurisdiksiyon, kabilang ang Timog Korea, mainland Tsina, Taiwan, Tsina, Indonesia at Malaysia.
Lumahok din ang ilang bantog na importer, wholesaler, retailer at online retailer, kabilang ang JD.com ng Tsina, PT. Pantja Artha Niaga mula sa Indonesia, Royal of Japan Ltd, NARA CELLAR mula sa Timog Korea, Albert International Wines & Spirits na nakabase sa Malaysia, KOT Selections ng Singapore, Rose & Young Hunters Global mula sa rehiyon ng Taiwan, higanteng supermarket sa Thailand na Central Food Retail Company, African + Eastern na nakabase sa Abu Dhabi at Red Apron Fine Wines & Spirits mula sa Vietnam.
Bukod dito, sa Public Day, humigit-kumulang 9,000 bisita ang sumali sa mga wine tasting at dumalo sa mga masterclass at seminar.
Nauna noong Enero, bumalik ang Hong Kong International Wine & Spirits Fair bilang espesyal na ganap na harapang kaganapan, dalawang taon matapos itong tumigil dahil sa pandemya ng COVID-19.
Nagtala ng 77% pagtaas taon-sa-taon ang mga export ng wine ng Hong Kong tungo sa HK$1.6 bilyon (US$204 milyon) noong 2021. Sa parehong taon, lumago rin ng 41% ang mga import ng wine tungo sa HK$10.6 bilyon (US$1.3 bilyon) kumpara sa nakaraang taon.